Iza Calzado, hate na hate ng netizens sa “A Love To Last”

Maraming netizens ang hate na hate ang mga pinaggagagawa ni Iza Calzado sa “A Love To Last”, kung saan nagiging tinik siya pagmamahalan ng TonDeng (Anton at Andeng).

AYON kay Iza Calzado, ramdam na niya ang pagkainis ng netizens dahil sa kontrabida role niya sa TV series na “A Love To Last”. Iza is playing Grace Noble in the show, ang ex-wife ni Ian Veneracion na girlfriend naman ni Bea Alonzo.

“I am really bracing myself to more tweets kasi ngayon pa lang, marami na, eh. I haven’t played kontrabida on TV in 14 years. So parang for me, it’s something new, but also exciting,” kuwento ng aktres.

Si Iza ang nagiging tinik sa romansa ng Tondeng (Anton at Andeng) sa teleserye at maraming netizens ang apektado sa kanyang ginagawa, kaya naman hate na hate siya ng mga ito.

Eh, kumusta naman ba ang working relationship niya with Bea and Ian?

“Definitely I have a solid relationship with Ian, it goes way back. I have a good relationship with Bea, I’d like to think so. Kasi nga even before this project started, we’d have occasional na parang catch-up, kuwentuhan,” sabi ni Iza.

Samantala, kailan ba niya nakikita ang sarili na magkakaroon na rin ng anak?

“Siguro mga two to three years pa. Malapit-lapit na rin, ha? Pero kasal po muna. Hindi naman ako nagmamadali,” nakangiti niyang pahayag.

Bela Padilla, pinagbawalan ng ex-boyfriend na si Neil Arce na magsalita

NAALALA ko noong grand presscon ng pelikulang “Camp Sawi”, na movie nina Bela Padilla at Arci Muñoz noon, ang sinabi ng film producer na si Neil Arce (of N2 Productions na co-producer ng Viva sa film project na ‘yun) na ayaw niyang madaliin si Bela sa usaping “kasal”.

Bela Padilla

“Bata pa ‘yan. Parang bata ‘yan. I let her enjoy the things na dapat niyang ma-enjoy,” kuwento ni Neil sa amin.

Fast forward after a few months, idineklara ni Bela sa presscon ng teleserye niyang “My Dear Heart” na split na sila ni Neil. Nagulat ang press na parang walang kaabug-abog at biglaan ang hiwalayan.

Wala ngang premonisyon, ‘ika nga, na maghihiwalay ang dalawa, the fact na oks naman sila.

Walang isyung selos or may third party involved. It was a mutual agreement, paliwanag noon ng dalaga.

Pero heto ang latest, ang ex-boyfie ni Bela, natsi-tsismis ngayon kay Angel Locsin na sa recent vacay ni Angel with her friends (halos mga taga-Kapamilya Network ang kasama niya) sa Hong Kong last Holy Week, nakita si Neil in the company of Angel and friends. Patunay lang na may namumuong romance between Angel and Niel at ang tsismis ay may kumpirmasyon.

Si Bela hindi na nagulat sa balita na nag-trending sa social media.

Sa grand prresscon ng movie ng dalaga na “Luck At First Sight” with Jericho Rosales sa direksyon  ni Dan Villegas, “Actually, alam ko naman na nagdi-date na si Neil, but I didn’t ask for specifics. But I’m aware that he’s already in the dating scene,” say ni Bela na wala ngang pagkagulat sa mga nagaganap.

Pero as ex-girlfriend ni Neil, deadma na siya kung ano man ang ginagawa ng dating boyfie o kung sino man ang dinidiskartehan niya.

“I’m okay with that. Super okey,” say ng dalaga.

May agreement na sila ng kanyang ex-boyfie. “I’m not sure if I’m allowed to answer these questions because he’s right there, and he firmly told me not to answer questions about him,” pahayag ni Bela.

Pero based sa obserbasyon ko personally, mukhang oks naman ang ex-lovers status nilang dalawa.

Cool nga dahil ang pelikulang “Luck At First Sight” ay pelikula na sinulat nilang dalawa, na kahit split na as lovers, hindi naapektuhan ang trabaho nila pareho bilang artista (si Bela) at film producer (si Neil).

In short, they don’t mix their personal life sa kanilang trabaho, na which for me is mas okey at much cooler dahil mas propesyonal ito kaysa sa pa-emote-emote pa.

Sa pelikula nina Bela t Jericho, makasasama nila sina Kim Molina at Cholo Barreto na showing na sa May 3 in theaters nationwide.

“Meant To Be” star Ivan Dorschner, hinangaan ng Uber driver sa pagiging marespeto

 alt=

BUMILIB ang isang Uber driver sa pagiging sobrang galang at marunong rumespeto na kanyang pasahero na hindi niya inakalang ang “Meant To Be” star palang si Ivan Dorschner.

Saludo ang Uber driver na si Arnold Medina sa pagiging marespeto ng “Meant To Be” star na si Ivan Dorschner.

Ayon sa driver ng nasabing transportation network company na si Arnold Medina, pagbukas pa lang ng pinto ng kanyang sasakyan, agad na siyang binati ng “good evening” ng isa sa mga bida ng teleserye sa GMA. Agad din umanong humingi ng paumanhin sa kanya si Ivan sa hindi niya pag-reply sa text ng driver dahil sa kawalan ng signal sa loob ng elevator.

Sabi driver sa kanyang post sa Facebook account ng Uber Pilipinas, “(P)agbukas pa lang ng pinto ng sskyan nag gudeve at nang sorry dahil nde daw sya makareply sa text wala daw signal sa elevator.”

Ini-offer din umano ni Ivan ang kanyang cellphone para siya na mismo ang mag-Waze para sa driver nang mawala ang Waze signal ng driver.

Anang driver na si Arnold, “(N)awala signal ko sa waze bigla inoffer celpone nya at sya mismo nagwaze para sakin.”

Hanga rin ang driver sa paghingi ng sorry ng Kapuso actor kapag may pagkakamali at sa madalas na pagsasabi ng “po” sa tuwing magsasalita.

“(P)agdating sa destination wrong pin pla nagsorry na namn.panay ang “po” tuwing nagsasalita.” Dagdag pang kuwento ng driver.

Nalaman lang umano ng driver na artista ang kanyang pasahero ng tanungin niya ito. “(T)inanong ko sya sir artista po ba kau? Sabi nya.opo sir sa gma aq may telesrye kme meant to u wid barbie forteza.”

Dahil sa nga sa ipinakitang kababaan ng loob at pagiging marespeto, saludo umano ang driver sa young actor.

Aniya, “(S)aludo aq sau sir ivan dorschner good luck and god bless you.”

#meant to be# napabilib aq sa rider na ito sobrang galang at marunong rumespeto sa driver nde ko akalain isa palang…

Posted by Arnold Medina on Tuesday, April 11, 2017

Janella Salvador, ipa-partner kay Joshua Garcia kahit may Elmo Magalona na

AYON kay Janella Salvador, matutuloy na rin finally ang pagsasama nila ni Joshua Garcia sa teleserye ng ABS-CBN na “Kung Kailangan Mo Ako”.

Janella Salvador and Joshua Garcia

“I’m excited to work with Joshua, kasi nga ang dami niyang good reviews na nakukuha. And he seems like a nice guy naman. So, excited ako na ka-work siya.

“Actually, he was supposed to be part of ‘Born For You’. He was supposed to be the third wheel, but he had to work for ‘The Greatest Love’ kaya hindi natuloy,” kuwento ng dalaga.

Kasama ni Janella sa “Kung Kailangan Mo Ako” ang ka-love team na si Elmo Magalona. Nasa cast din si Joshua noon sa “Bloody Crayons”, pero nang magpalit ng cast ay hindi na siya na-retain.

Hindi naman maiwasang pagkumparahin sina Joshua at Elmo, lalo na kapag pag-arte na ang pag-uusapan. Ano kaya ang reaksyon dito ni Janella?

“Hindi talaga maiiwasan ‘yon. I’m sure naman God has a plan kung ano man ‘yung mag-workout. I’m gonna be happy naman whatever happens, kasi sobrang ganda nu’ng project na ibinigay and we’re just all gonna do our best.

“Si Elmo, talagang tina-try rin naman niyang gawin ‘yung best niya. Aware naman siya sa sinasabi ng iba about him. Tapos he’s really working hard now. Gusto niyang mag-improve talaga,” katuwiran pa niya.

Gabby Concepcion, hindi priority si Sharon Cuneta

 alt=

KAHIT anong pilit pala ni Sharon Cuneta na matuloy at masimulan na ang reunion movie nila ni Gabby Concepcion, malabo pala talagang mangyari sa ngayon.

Gabby Concepcion

Sinasabi pa nga ni Sharon na pinilit niya mismong makagawa ulit sila ng pelikula ng dating asawa at ka-love team para na rin sa kanilang fans na pinagkakautangan nila nang malaki kaya sila nariyan sa kinatatayuan nila ngayon.

Pero sa artikulo ni Rose Garcia sa PEP.ph, sinabi ni Gabby na wala siyang time para gawin iyon. Hindi naman sa tumatanggi umano si Gabby, pero tali ang schedule niya sa dami ng commitments sa GMA Network, kung saan siya may existing 2-year contract.

Sa report, sinabi na Gabby na open siya kahit na anong pelikula ang gawin nila ni Sharon. ‘Yun nga lang, depende pa rin kung pasok sa kanyang schedule.

Abala ang aktor sa kanyang teleseryeng “Ika-6 Na Utos”, idagdag pa ang patapos na ring “Tsuperhero” at ang “Uge”.

“So, maya’t maya, sinasaksak nila ako sa mga events, sa mga promo.” Sabi pa ni Gabby sa panayam ni Rose.

Ayon pa kay Gabby, priority niya ang mga show sa GMA, at uunahin niya ang mga iyon.

Kaya nga kahit anong gawin ni Sharon ngayon, malabo pang makagawa sila ng pelikula ni Gabby. Kung makapaghihintay siya, malamang pagkatapos na ng kontrata ni Gabby sa GMA, o kapag lumuwag na ang schedule nito.

Janella Salvador, super kayod sa dalawang pelikula at bagong teleserye

SUPER sipag ni Janella Salvador. Two movies ang sabay niyang ginagawa and a new teleserye sa Kapamilya Network, sobrang effort na nga ito para sa dalaga and not to forget ang ibang mga trabaho niya like personal appearances and shows at TV commercial shoots.

Janella Salvador

Today, Tuesday ay naka-schedule siya for shooting ng suspense movie nila ni Elmo Magalona na “Bloody Crayons” under Topel Lee na kilala sa mga pelikulang horror-suspense.

At yesterday’s (Monday) merienda-chikahan with Janella before she leaves for the USA on Thursday, ang daming kuwento ng dalaga na naka-eight shooting days na pala siya for “Bloody Crayons” at ang tuhog shoot nila ni Elmo for “My Fairy Tail Love Story” under the direction of Jun Lana for Regal Films. Na on the same day from her shoot sa Zambales ay diretso sila sa Anilao, Batangas.

For the new “sirena” movie ng dalaga, baliktad daw ang kuwento ng mala-Dyesebel karakter niya dahil she plays the maarte karakter sa movie na magiging “sirena”.

Naka-four shooting days na sila sa Zambales and two more in Anilao para matapos ang underwater shoot nila. Ang next location na nila ay ang Manila.

Throwback lang. Noong fifth birthday party pala niya was themed “Little Mermaid”. Kwento niya sa amin, “It’s a dream role for me.”

She shared na takot pala siya sa tubig. “I don’t know how to swim kasi,” sabi ng dalaga.

Pero nag-undergo na siya ng training para sa scuba diving for the film so she’ll learn kung paano maging underwater na kahit hinahabol ang breath niya ay pretty pa rin siya.

Nag-practice na rin siya for the mermaid swim na suot ang kanyang mermaid tail.

“Medyo mabigat. But under water it’s lighter. It’s easy to swim,” sabi ng dalaga.

At the tsikahan, Janella was scared when her manager Direk Manny V. Valera made kuwento his paranormal experience sa location ng “Bloody Crayons” sa 2nd floor ng old house sa Sampaloc, Manila na may nakita itong black shadows, kung saan kinilabutan at natakot ang dalaga.

We’ve learn sa private tsikahan na namin after the formal pocket interview na matatakutin pala siya, but loves watching horror movies like “Conjuring 2” na after watching the film kahit mag-CR siya, dapat may kasama ang dalaga.

We laughed sa itsura ni Vanak (the evil nun character in the movie) and compared our horror movies experiences.

On Thursdsy, she leaves for the USA for a show in Florida (she’s visiting Disney World for the first time) and in San Francisco.

In SFO after her show, she shared na may fans and supporters siya na magtu-tour sa kanya sa Napa Valley (I told her to go outlet shopping) at sa mga San Francisco tourist destinations.

She’ll be back on the 18th to continue her shoot and taping for the two movies and a new teleserye for ABS-CBN.

Andi Eigenmann, nakaloloka na ang pagiging inconsistent

NALOLOKA lang ako sa inconsistency nitong si Andi Eigenmann. Heto’t ride to heaven na naman siya sa isyu nila ni Jake Ejercito, ang ama ng anak niyang si Ellie.

Andi Eigenmann and daughter Ellie

Jake Ejercito

Sa farewell presscon ng afternoon seryeng “The Greatest Love” sa Kapamilya Network, kung saan bida si

Sylvia Sanchez at si Andi ay isa sa mga anak niya rito, nagkuwento na na naman si Andi sa media imbes na iresolba niya ang problema nila ni Jake na sa kanilang dalawa lang.

Akala ko ba na hindi na siya magsasalita tungkol kay Jake at sa kung ano mang tungkol sa kanilang dalawa? Kung ano man daw ang personal nilang problema ay aayusin nilang dalawa para hindi na ma-hype ng media, tulad nga nitong visitation complaint ni Jake tungkol sa anak nila.

Balita kasi ng isang tsismosa sa social media, iniligaw diumano ng aktres si Jake sa totoong location ng graduation ni Ellie, rason para hindi makadalo ang ama.

Kinumpirma rin ng aktres na ang tweets niya kamakailan na binura niya ay para kay Jake.

Say ni Andi sa isang niyang tweet, “Pls ask urself 1st if this is really for the wellbeing of ur child or just for ur ego? Just quit it man.”

Sa isa pang buradong tweet, ani Andi, “It was diff then, cus i was hurt, and i loved you. But now that i don’t, pls just trust that I want what’s best for her and that includes u!”

Kaloka lang kung seseryosohin mo si Andi. May sariling pautot na ewan kung kailan niya paninindigan ang mga sinasabi niya at kung kailan siya titigil. Daming paliwanag ng aktres sa bagong isyu. Paulit-ulit, walang bago.

Natawa na lang ako sa sinabi niya sa media yesterday (Sunday), “Pero sobrang… as in magpapaka-aktibista talaga ako ‘pag sinet-up nila ako or nag-ano sila nang hindi totoo or sinira nila ako.”

Kaloka ka, ‘teh! Ubir ka! Parang “suka-kain” na iniluwa mo at saka mo kakainin dahil waley ka nang makain.

Sa totoo lang, based sa mga nakaraang kuwento at insidente, malapit na akong bumitaw na hindi ko na paniniwalaan ang aktres.

Summer na. Panahon ng mga kapistahan na naman sa isyung Andi and Jake. Nakasasawa ka na, Andi. Sayang ka, girl. 2017 na po.