Julia Barretto at Joshua Garcia, muling magtatambal sa pelikula

Muling mapanonood sa big screen ang tambalan nina Joshua Garcia at Julia Barretto matapos ang matagumpay nilang MMFF 2016 entry na “Vince and Kath and James”. (Image courtesy of Instagram: @StarCinema)

MALAPIT nang magkaroon ng bagong pelikula ang tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto sa ilalim ng Star Cinema, kasunod ng matagumpay nilang pelikulang “Vince and Kath and James” na kabilang sa mga opisyal na kalahok sa katatapos na Metro Manila Film Festival noong 2016.

Bagama’t hindi pa puwedeng sabihin ang title o magiging istorya ng pelikula, sigurado namang ang direktor ng VKJ na si Antoinette Jadaone ang magdidirek ng pelikulang ito.

Ayon kay Joshua, “Sobrang excited na ako. Hindi lang sa character. Excited akong maka-work si Direk (Antoinette). Siyempre magsasama ulit kami ni Julia, ibang level uli ‘yun ng samahan at trabaho namin for the second time para sa darating naming pelikula.”

Sey naman ni Julia, “More than anything, we are just very thankful, full of gratitude, kasi malaki ‘yung trust na ibinigay sa amin ni Josh. We just want to make the most out of it. We don’t want to let anyone down. Sana maging proud pa rin sila sa gagawin naming project, dahil para sa kanila ito lahat and we’re all excited.”

Isa sa maraming fans ang tambalang Joshua-Julia at kinakikiligang teen love teams sa kasalukuyan. Pak!

HANAP n’yo ba ang mababang presyo sa inyong bakasyon mapa-local or international? We’ll ano pa ang hinihintay n’yo? Mag-inquire na kayo sa Throycath Travel and Tours Agency, located at 69-C Felipe St., San Francisco del Monte, Quezon City. 

We specialized based on activities for both domestic and international: all airline ticketing travel; local and international hotel and resort accomodation; local and international tour packages; cruise tour packages; bus rental; ferry tickets; team building packages; NSO birth certificate and passport assistance; and VISA processing. 

Masaya ang Throycath Travels and Tours Agency, kasi mula sa mga simpleng tao, businessmen, at politicians, pasok na rin ngayon sa larangan ng showbiz ang services ng TTTA. As a matter of fact, marami na ring celebrities ang nag-eendorso nito like Isabel Granada, Rivermaya, Tori Garcia, Raymond Cabral, Garie Concepcion, Luningning, Mavi Lozano, LA Santos, Miguel Reyes, at ang mabait at guwapong vice mayor ng Lipa, Batangas na si Eric Africa, ganu’n din ang maganda niyang wifey na si Bokal Wheng Sombrano-Africa at sa buong staff ng Lipa City Hall. Thank you so much for the support @ TTTA. Salamat po sa inyong tiwala. 

For more inquiries call/ text: 0908-8145090/ 09158507388/ 09198802772/ 09261657978 or call tel: 02-5031309. Facebook account: throycathtravelandtours@yahoo.com

Sharon Cuneta: reunion movie kay Gabby Concepcion, out; indie film sa Cinemalaya, pasok

HINDI na nga muna matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sharon Cuneta

Noong una, urong-sulong. Pero ngayon, sinabi na nang hayagan ng Star Cinema na on-hold na muna ang project ng dalawa for 2018, lalo pa’t mahihirapang maisingit ng aktor ang schedule niya para sana sa pelikula nila dahil sa dami ng commitments nito.

Pero si Sharon, excited sa Cinemalaya 2017 film niya with Direk Mes de Guzman.

Sa social media account ng aktres, isinulat niya: “Seriously, thank you from the bottom of my heart, CINEMALAYA 2017, for giving me and Direk Mes de Guzman the privilege and honor to be part of this year’s film entries. I am beyond thrilled and feel truly blessed. I am just so honored.

“Direk Mes and I are so excited na! We talked earlier tonight. So happy. Walang kokontra — TULOY NA TULOY NA ang “ANG PAMILYANG HINDI LUMULUHA!” (From “Crying Ladies” na puro cry, and ganda! Wala naman crying ang family na ito! Hahaha!).”

For sure, ang solid Sharonians ay super excited na sa pagbabalik sa big screen ng idol nila.

Daniel Padilla, gagawin ang lahat mapasaya lang at maprotektahan si Kathryn Bernardo

MALAKING effort para kay Daniel Padilla na gumising nang maaga para lang samahan ang “girlfriend” na si Kathryn Bernardo (kahit hindi pa rin nila kinukumpirma verbally, pero sa mga ikinikilos nila, hindi ka na magtatanong sa dalawa) sa morning activities nito nang mag-celebrate ang dalaga ng kanyang ika-21 birthday sa isang exclusive island resort sa El Nido, Palawan.

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla during the blogger’s conference for their movie “Can’t Help Falling In Love”

Hindi morning person ang binata at hirap ito sa gisingan sa umaga, na during their vacay, effort para kay DJ who plays the role of Dos Gonzales, Jr. sa latest romcom nila from Star Cinema na “Can’t Help Falling In Love” na dahil sa pagmamahal kay Kathryn, ang agang gumigising ng binata to join Kath who plays Gab dela Cuesta sa sight-seeing tour activities nila like island hopping at snorkling.

Sa presscon ng pelikula nila, naipahayag ng binata na kailangan niyang alagaan at protektahan si Kathryn.

“Siyempre tayo ang lalaki. Ang babae inaalagaan iyan,” sabi ni Daniel. Kahit effort sa kanya na gumising nang maaga.

Sa bagong pelikula ng dalawa na higher level na ang romcom ng dalawa, na sa trailer at pagkakaintindi ko, they play “husband and wife” or ikakasal pa lang base sa interpretation ko sa trailer-teaser sa pelikulang dinirek ni Mae Cruz-Alviar na sa darating na Saturday, Sabado de Gloria (April 15) ay ipalalabas na sa mga sinehan nationwide.

Pahayag ni Daniel,” Alam n’yo naman kung gaano kaiimportante siya (Kathryn) sa akin. Lahat gagawin ko para lang maging masaya at protektado siya.”

Matteo Guidicelli, hindi itinanggi ang planong mag-propose na ng kasal kay Sarah Geronimo

TILA ayaw pa talagang i-share ng magkarelasyon na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kung kailan ang plano nilang magpakasal, habang ang ibang artista ay nagpa-plan na, kung hindi man malapit nang ikasal.

Matteo Guidicelli during the blogger’s conference for the KathNiel movie “Cant Help Falling In Love”

Kung maaalala pa, nag-effort si Sarah na bumiyahe with her hectic schedule sa Cebu para lang sorpresahin ang kanyang boyfie noong nakaraang birthday nito.

Pero ang binata, all smile pa rin kapag inuurirat tungkol sa kasalan nila na hinihintay na ng madlang pipol.

Sa presscon ng latest movie ni Matteo with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, ngiti at halakhak pa rin ang sagot ng binata sa katanungan sa kanya tungkol sa napabalitang proposal ng binata na mangyayari sa June.

Tutal, nasa tamang edad na rin sila ni Sarah, hindi na siguro ito ikaiinis ng ina ng dalaga na sinasabing until now ay mahigpit pa rin sa kanyang anak.

Si Matteo, siya yata ang lalaki na confident sa sarili na kahit malingat ay kampante, na ang kanyang si Sarah ay kanya lang kahit maitambal ang girlfriend sa iba, tulad ng bagong project with Daniel.

Sabi ng binata tungkol sa kanyang co-star sa pelikulang “Can’t Help Falling in Love” na showing na sa Sabado de Gloria (April 15), “Daniel is an amazing guy. I love them (with Kathryn Bernardo) as human beings. They are very, very nice people.”

Walang insecurities ang binata sa pagsasama sa project ng girlfriend at ni Daniel.

“I’ll be happy for them to work together,” sabi nito with confidence.

Alam kasi ni Matteo na gusto rin ni Sarah na makatrabaho si Daniel.

Totoo kaya na sa June nakaplanong mag-propose ang binata sa Pop Princess?

Liza Soberano, suportado ni Enrique Gil sakaling mapili sa “Darna”; pero ang fans, umaalma

 alt=

SUPORTADO ni Enrique Gil ang ka-love team na si Liza Soberano sakaling mapili ng Star Cinema na gumanap sa role ng iconic Pinay superheroine na si Darna.

Enrique Gil & Liza Soberano (courtesy of Instagram: @pushalerts)

Sa video interview sa LizQuen love team bago umalis patungong US para sa Star Magic 25th Anniversary US tour na naka-post sa Instagram account na @pushalerts, unang nahingan ng reaksiyon si Liza hinggil sa kagustuhan umano ng fans na gumanap siya bilang Darna. Ito ay matapos ngang kumpirmahin ni Angel Locsin at ng Star Cinema na hindi na gagawin ni Angel ang role na nagpasikat sa kanya noon dahil sa kanyang health condition.

Ipinahayag naman ni Liza ang kagustuhan niyang gampanan ang nasabing role. Aniya, “Ahmmm… hindi ko po alam. Wala pa naman po talagang official statement or anything saying that I am going to play the iconic role. Pero if ever, I would love to do it.”

Nang banggitin din kay Liza na sinabi ng kanyang manager na si Ogie Diaz na isa siya sa kino-consider na mag-Darna, hopeful din si Liza sa pagsasabing, “Sana po.”

Suportado rin naman ni Enrique ang ka-love team kung mangyari nga ito.

“Siyempre, I’m gonna support her naman… or what. So, ah… kung siya talaga, siya talaga!” Ani Enrique nang hingin ang kanyang reaksiyon.

Una nang kinumpirma ni Ogie na kasama nga si Liza sa mga pinagpipiliang “lumunok ng bato”.

“Isa siya sa mga choices,” ayon sa manager nang ma-interview ng press.

Tatanggapin nga raw nila ni Liza, kung sakali mang i-offer sa kanila ang role.

Ani Ogie, “Itong Darna, super hero, maraming may gusto na gumanap pa ring Darna. Imagine-in mo ‘yung history ng mga gumanap na Darna, like si Ate Vi (Vilma Santos). So, kung si Liza ang mapipili for the role, siyempre tatangapin namin ‘yun.”

Pero sa mga reaksiyon at komento ng fans ni Liza sa naturang video post, bagama’t may fans ang batang aktres na gusto siyang makitang lumilipad at nakikipaglaban sa mga masasamang loob, tila mas marami naman ang ayaw na makita siyang nakasuot ng costume ni Darna.

Sabi ni @lynangon, “Yup @pushalerts kung sakali man na c @lizasoberano ang susunod na darna support lng kami ,hindi na namin pinupush.”

Ganito rin halos ang sentimyento ni @cristine2413, “Hindi po fans ni liza ang nagpupush marami rin sa amin na hindi ready pero if ever ibigay ng management quenito and all fans are here to support our bebe hopie.”

Katuwiran naman ni @fanstar_love, “As a fan we have different opinion! And i will consider as one of those LizQuen fan who is not favor for her to play Darna @lizasoberano Y? Because she’s already a Star and famous! She already prove her self that she’s one of the best actress of her generation. She dont need to expose her body to the public just to prove something! Darna is only a hype, after that what’s next? Maybe that’s also the reason why the majority of LizQuen fan are not favor to do it @enriquegil17 @pushalerts@starmagicphils @starcreativestv.”

Para naman kay @lovebbgue, “Pls Liza, think a hundred times before accepting the role. It will change your image and as a fan, I personally think you don’t need that role. Mas gusto namin ang Liza ngayon, yung image mo.”

Isa sa ikinatatakot ng fans ni Liza ay ang ma-expose ay ang pagnasaan ng mga mahihilig ang young actress dahil sa pagpapakita nito ng skin, at mawala ang wholesome image nito.

Ayon kay @rgeorgeenarI, “(A)lso don’t want Liza to be the next Darna. She’s going to be exposed to perverts. As is, marami na nga ang nababaliw sa kanya, then she wears that skimpy costume? Kawawa ang bata to be exposed to mature male market. Let’s be real, Darna is not a role na maalala ka coz of your acting ability but rather how you wore the costume. Sayang ang good, wholesome image nya na every one in the family loves-from senior citizens to kids na idol sya. Bihira ang ganon. Look at her endorsements- from candies to diamonds. Then she wears that skimpy costume- immediately iba na market nya. Liza can be an icon by herself. Hindi nya kelangan ang “iconic role” para sumikat. She’s in a very good place now. Ibigay yang Darna sa iba yan na kelangan ng break.

KathNiel, nagkaka-panic attacks tuwing may ipapalabas na pelikula

TUWING may pelikulang ipalalabas sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, hindi maiiwasang kabahan sila. Ganito rin ang nararamdaman nila sa nalalapit na showing (April 15) ng “Can’t Help Falling In Love” na follow-up movie nila after ng box-office film na “Barcelona: A Love Untold”.

Daniel Padilla & Kathryn Bernardo

“Lagi naman. ‘Pag gumagawa kami ng ano (pelikula), hindi mo maiiwasan na may mga panic attack ka rin. Kasi siyempre, magpa-panic ka dahil ayaw mo namang sumablay ‘yung pelikula mo, eh,” pahayag ni Daniel.

Paliwanag niya, “Dahil siyempre, ‘pag ginawa mo, gusto mong after na mapanood ng mga tao, ‘Ang ganda ng pelikula na ‘yun.’ ‘Yon  na ‘yung reward para sa ‘yo, eh. ‘Yun na lang ‘yung mapi-feel mo na ang sarap pang gumawa ng mas marami pang pelikula.”

“’Yung pagka may nakikita kang napapasaya mong mga tao, nata-touch mo ‘yung mga tao, na nakare-relate sila sa storya, sa pelikula, sa karakter, ‘yun ang pinakamasarap sa lahat,” dagdag na sabi pa ni Daniel.

Walang premiere night ang pelikula dahil Holy Week tatapat ang April 13 or 14. Sa mismong Black Saturday naman ang showing ng “Can’t Help Falling In Love” na magandang playdate para sa Star Cinema.

Kathryn Bernardo, nag-react sa pagkakasama ng pangalan sa mga pinagpipiliang mag-Darna

ANG ganda ni Kathryn Bernardo nang humarap siya sa media last week para sa presscon ng pelikula nila ni Daniel Padilla na “Can’t Help Falling In Love” na palabas na sa April 15.

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla during the presscon of “Can’t Help Falling In Love”

Halos kasabay namin si Kathryn na dumating. Bumeso. At short tsika bago sila tumuloy ni Mommy Min sa waiting area ng venue. Ang cute ng suot na palda ng dalaga na parang balahibo ng ng gansa (goose).

Tanned na tanned si Kath na kagagaling lang sa Lagen Island sa El Nido, Palawan to celebrate her 21st birthday with no less than “boyfie” Daniel and some non-showbiz friends except Khalil Ramos na friend ng dalaga since nang magkasama sila sa isang teleserye noon with Enrique Gil na sa Bhutan pa ang taping.

At 21, mas kampante at chill na si Kath. Wala nang tension. Kaswal na rin na hinahayaan ang kamay ng “boyfie” na pumatong sa tuhod niya.

Sa totoo lang, ang galing na niyang sumagot. Hindi na kailangan ng handler niya na sumangga ng tanong. Kadalasan kasi, silang mga handler ay walang tiwala sa mga alaga nila kung papaano sasagutin ang isang katanungan, na sa galing ng mga alaaga nila ay in-underestimate nila.

Isa sa mga tanong kay Kath ay ang tungkol sa pelikulang “Darna” na nabakante dahil sa health conditions ng original star na si Angel Locsin, na kung sakaling i-offer sa kanya ang role ay papayag ba siya?

“Kung ma-consider ako na makapag-portray noon, thank you. Isang malaking role ‘yon at very iconic si Darna, lalo na sa ating mga Filipina, sa aming mga babae,” pahayag ng dalaga.

Pero may ibang prioridad si Kathryn. “Sa ngayon talaga, ‘La Luna’ (Sangre) pa lang ang focus. Hindi ko alam. Basta, thank you kung maisip nila. I appreciate it,” aniya.

Ang naturang serye ay pagsasamahan nila ng “boyfie” na si Daniel na isang romance-fantasy-action serye na bahagi ng mga naunang serye noon na “Lobo” at “Imortal”.

Sa bagong serye nila ni Daniel, makasasama nila sina Angel at John Lloyd Cruz.

Sabi ni Kath, “Noong nalaman ko ‘yon, sobrang natuwa ako. Kasi parang may blessing nila. Sila ang original talaga. ‘Yung pilot sila ang gagawa.”

Dagdag pa niya, “Alam naman nating hindi na puwede si Ate Angel sa fight scenes, but still gagawin niya ito for ‘La Luna’. Nakatutuwa, kasi kita mo ang suporta ng lahat para sa La Luna Sangre’ kaya grabe ang pasasalamat.”

Nagpapasalamat ang KathNiel sa supporta nina Angel at Lloydie sa pang-apat na teleserye nila sa Kapamilya Network.

But for now, ang pelikula muna nila ni DJ (with Kristel Fulgar, Matteo Guidicelli, and Janus del Prado) ang focus ng oras nila para sa promotion.