Vilma Santos, hindi makikialam sa personal na buhay ni Luis Manzano

“Hindi ako nakikialam. Hindi rin ako nagsasabi ng kahit anong kahilingan ko sa kanila. Basta ang importanate sa akin, kung saan masaya ang anak (Luis), doon ako,” pahayag ni Vilma Santos sa interbyu sa kanya ng entertainment media.

PARA sa Star for All Seasons na si Vilma Santos,bilang isang ina hindi raw niya ugali na panghimasukan ang personal na buhay ng anak na si Luis Manzano. Kaya naman maganda lagi ang pakikitungo niya sa kung sino man ang nobya ng kanyang anak.

Para kasi sa actress, bilang ina, “Hindi ako nakikialam. Hindi rin ako nagsasabi ng kahit anong kahilingan ko sa kanila. Basta ang importanate sa akin, kung saan masaya ang anak (Luis), doon ako.” 

Nang matanong ng isang entertainment press si Ate Vi hinggil sa posibilidad na mabigyan na ito ng apo ni Luis, na ngayo’y nali-link sa aktres na si Jessy Mendiola, tugon niya, “Of course masaya ako kung magkakaroon na ako ng apo. Kaso wala pa nga, eh. At the end of the day, that’s one major decision Lucky needs to make on his own,” sey pa niya. 

Samantala, ano kaya ang masasabi ni Ate Vi na kaibahan sa naging past at present girlfriends ni Lucky?

“No comment na lang tayo riyan. But I’ll give you an idea about my son’s character. Si Lucky kasi, he’s so malambing. You see him clowning around. But deep inside, he has a good heart. And you see this even on TV,” pahayag ni Ate Vi.

“FPJ’s Ang Probinsiyano” ni Coco Martin, patuloy na maghahari hanggang 2018

Pangako ni Coco Martin na mas pagagandahin pa nila “FPJ’s Ang Probinsiyano”, gayon din ang patuloy na pagbibigay ng trabaho sa mga artistang nangangailangan ng tulong para makabalik sa showbiz.

ISANG malaking tagumpay na ang maituturing dahil patuloy na maghahari sa primetime ang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Primetime King Coco Martin hanggang 2018. Base na rin ito sa kumpirmasyon ng ABS-CBN management.

Dahil sa patuloy na pagsuporta at pagtangkilik ng mga manonood, tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ni ‘Cardo Dalisay’ ang tungkol sa pag-e-extend ng show na napabalitang magtatapos na ngayong Mayo 26, 2017 at papalitan ng “La Luna Sangre” na pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ang extension ng teleserye ay pormal na inihayag ni ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes sa isang party para sa cast ng teleserye. Naroon din sa naturang party ang presidente at CEO ng Kapamilya Network na si Carlo Katigbak.

Malaki naman ang pasasalamat ni Coco dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga tagasuporta niya sa nasabing programa.

Pangako pa ng aktor na mas pagagandahin pa umano nila “FPJ’s Ang Probinsiyano”,  gayon din ang patuloy na pagbibigay ng trabaho sa mga artistang nangangailangan ng tulong para makabalik sa industriyang ito. ‘Yun nah! 

Angelica Panganiban, nag-react sa IG post ni Alyssa Valdez na kasama si John Lloyd Cruz

Sina John Lloyd Cruz at Alyssa Valdez sa Instagram

NAGKAROON ng pagkakataong magkaharap sina Alyssa Valdez at ang actor na si John Llyod Cruz nang magkita ang dalawa sa bakuran ng ABS-CBN.

Kasama ni Alyssa ang iba pang mga manlalaro ng “Premier Volleyball League” upang i-promote ang upcoming season na mapanonood sa telebisyon.

Nagkataon namang nagte-taping si Lloydie ng isa sa mga episode ng comedy sitcom niyang “Home Sweetie Home”. 

Sa Instagram post ni Alyssa, kasama niya sa picture si Lloydie. Caption niya, “One. Two. Three. Four-ever and ever… promise?”

Pinagmulan naman ng kuryosidad sa netizen ang nasabing caption ni Alyssa sa kanyang IG post, kaya agad din itong nag-trend sa social media.

Ang naturang post na umabot nang mahigit sa 50,000 likes ay naka-tag kay Angelica Panganiban, na agad namang nag-react din.

“Promise mo muna sa akin tuparin mo,” reaksiyon ni Angelica sa caption ni Alyssa.

Lalo namang naintriga ang maraming netizen sa comment ni Angelica. Wala nga silag clue sa nangyayari, kaya naman naging usap-usapan pa ito last week.

Lotlot de Leon, marami pang dapat patunayan para mapantayan ang inang si Nora Aunor

Kahit nagkaroon na ng international acting award si Lotlot de Leon, hindi pa rin umano niya mapapantayan ang kanyang inang si Nora Aunor. Aniya, marami pa raw siyang kailangang patunayan.

SA kabila ng nakuhang international acting award, aminado si Lotlot de Leon na marami pa rin siyang dapat patunayan para mapantayan ang inang si Nora Aunor.

Pinarangalan si Lotlot para sa Special Acting Citation sa pelikulang “1st Sem” na nanalo ring Best Debut Feature para sa mga direktor nitong sina Dexter Hemedez at Allan Ibañez sa All Lights India International Film Festival.

Invited din ang “1st Sem” sa film festival sa Texas na magaganap simula April 21-30 sa Flagship AMC Studio 30 Theaters sa Southwest Houston, Texas sa Amerika.

Sa isang panayam kay Lotlot, tinanong ang actress kung makale-level na ba niya ang kanyang ina, ang nag-iisang superstar na si Nora pagdating sa acting awards.

“Ay, no! Marami pa po, marami pa po akong kailangang patunayan,” aniya. 

Kumusta naman ang relasyon nila ng kanyang mommy? Nagkikita ba sila sa ngayon?

“Hindi masyado, minsan nagtatawagan. Kasi medyo busy rin po tayo sa work, ganu’n din po si Mommy,” sey pa niya. 

Sa ngayon, focus sa trabaho ang aktres sa taping ng teleserye niya sa GMA Network na “Destined To Be Yours”. ‘Pag wala naman daw siyang work sa showbiz, hands on daw siya kasama ang kanyang mga anak especially si Janine Gutierrez, sa kanyang restaurant na The South Grill na matatagpuan sa Parañaque City.

Julia Barretto at Joshua Garcia, muling magtatambal sa pelikula

Muling mapanonood sa big screen ang tambalan nina Joshua Garcia at Julia Barretto matapos ang matagumpay nilang MMFF 2016 entry na “Vince and Kath and James”. (Image courtesy of Instagram: @StarCinema)

MALAPIT nang magkaroon ng bagong pelikula ang tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto sa ilalim ng Star Cinema, kasunod ng matagumpay nilang pelikulang “Vince and Kath and James” na kabilang sa mga opisyal na kalahok sa katatapos na Metro Manila Film Festival noong 2016.

Bagama’t hindi pa puwedeng sabihin ang title o magiging istorya ng pelikula, sigurado namang ang direktor ng VKJ na si Antoinette Jadaone ang magdidirek ng pelikulang ito.

Ayon kay Joshua, “Sobrang excited na ako. Hindi lang sa character. Excited akong maka-work si Direk (Antoinette). Siyempre magsasama ulit kami ni Julia, ibang level uli ‘yun ng samahan at trabaho namin for the second time para sa darating naming pelikula.”

Sey naman ni Julia, “More than anything, we are just very thankful, full of gratitude, kasi malaki ‘yung trust na ibinigay sa amin ni Josh. We just want to make the most out of it. We don’t want to let anyone down. Sana maging proud pa rin sila sa gagawin naming project, dahil para sa kanila ito lahat and we’re all excited.”

Isa sa maraming fans ang tambalang Joshua-Julia at kinakikiligang teen love teams sa kasalukuyan. Pak!

HANAP n’yo ba ang mababang presyo sa inyong bakasyon mapa-local or international? We’ll ano pa ang hinihintay n’yo? Mag-inquire na kayo sa Throycath Travel and Tours Agency, located at 69-C Felipe St., San Francisco del Monte, Quezon City. 

We specialized based on activities for both domestic and international: all airline ticketing travel; local and international hotel and resort accomodation; local and international tour packages; cruise tour packages; bus rental; ferry tickets; team building packages; NSO birth certificate and passport assistance; and VISA processing. 

Masaya ang Throycath Travels and Tours Agency, kasi mula sa mga simpleng tao, businessmen, at politicians, pasok na rin ngayon sa larangan ng showbiz ang services ng TTTA. As a matter of fact, marami na ring celebrities ang nag-eendorso nito like Isabel Granada, Rivermaya, Tori Garcia, Raymond Cabral, Garie Concepcion, Luningning, Mavi Lozano, LA Santos, Miguel Reyes, at ang mabait at guwapong vice mayor ng Lipa, Batangas na si Eric Africa, ganu’n din ang maganda niyang wifey na si Bokal Wheng Sombrano-Africa at sa buong staff ng Lipa City Hall. Thank you so much for the support @ TTTA. Salamat po sa inyong tiwala. 

For more inquiries call/ text: 0908-8145090/ 09158507388/ 09198802772/ 09261657978 or call tel: 02-5031309. Facebook account: throycathtravelandtours@yahoo.com

Robin Padilla, mas gustong pag-usapan si Queenie kaysa kay Kylie

Ayon kay Robin Padilla, mas magandang pag-usapan na lang ang buhay may-asawa ng anak na si Queenie kaysa sa binubuong pamilya ngayon ng isa pa niyang anak na si Kylie sa piling ni Aljur Abrenica.

MATIPID pa rin ang naging pahayag ni Robin Padilla tungkol sa kanyang anak na si Kylie Padilla at sa mapangangasawa nitong si Aljur Abrenica.

Hanggang ngayon kasi, hindi ganu’n ka-detalyeng magbigay ng kanyang saloobin ang aktor kapag pinag-uusapan sina Kylie at Aljur. 

Pero pagdating sa usapin patungkol sa isa pang anak ni Robin na si Queenie Padilla at sa asawa nito, mas gusto itong pag-usapan ng actor.

Ani Robin sa isang panayam kamakailan lang, “Oo, ‘yong si Queenie, napakagandang pag-usapan. Si Queenie ang dapat pag-usapan. Kasi si Quennie, kasal ‘yun!”

Very proud naman si Robin sa naging asawa ni Queenie, ganu’n din sa pagkikita nila.

“Walang pinakamasarap sa isang ama kung ‘di may magiting na lalaking kakatok sa pintuan mo at sasabihing, ‘Ang kamay ng iyong dalaga ay akin. At handa akong maging responsable, at ibigay sa kanya ang buhay na ibinigay n’yo,” pahayag ni Robin.

Dugtong pa ng aktor, “‘Yon ang matindi ro’n. ‘Yong kayang pantayan ‘yong ibinigay kong buhay. Kaya ako na ang pinakamasaya ama. Kasi kahit paano, alam mo na maganda ang kalagayan ng anak mo.” 

Wish lang ng actor, sana rito sa Pilipinas magsilang ng baby si Quennie na limang buwang buntis sa kanyang asawa Pakistani. 

Kim Domingo, hindi titigil sa paghahanap sa kanyang French father

KAHIT na ano raw ang mangyari, hinding-hindi raw susuko ang popular at sexy actress na si Kim Domingo sa paghahanap sa kanyang ama.

Kim Domingo (courtesy of Instagram: therealkimdomingo)

Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Kim na mahahanap pa niya ang kanyang biological father, isang Frenchman na nagngangalang Gy Belleville.

Aniya, sinubukan na raw niya ang lahat ng paraan para mahanap ito gamit ang social media, ngunit bigo pa rin siyang makilala ang ama na hindi niya kailanman nakasama. 

Ayon kay Kim, “Konti lang kasi ang information na nakuha ng mommy ko tungkol sa biological father ko. Hindi niya alam kung saan sa France ito nakatira.”

“Kung sana nalaman niya, it would have been easier to trace my dad kung buhay pa ba siya or hindi. Pero bigla na lang kasi siyang nawala sa buhay ni Mommy,” daggad pa niya.

Gaano ba siya kasabik sa kalinga ng isang ama? “Sobra po. Kahit hindi ko siya nakilala, still he’s my father. Kung baga, kung wala siya, wala rin ako rito sa mundo. So, sa akin, gusto ko lang siyang makita o makilala man lang para at least makumpleto ko ang pagkatao ko.”

“Sana lang, ma-grant ‘yung matagal ko nang wini-wish na makilalala ko ang aking ama,” pag-asam pa ni Kim.