Kris Aquino, pinatatahimik kaugnay ng gagawing Hollywood movie

 alt=

Magtagumpay naman kaya si Kris Aquino sa challenge na itikom ang kanyang bibig, kung ang mismong request sa kanya na manahimik tungkol sa ginagawang Hollywood movie, ibinalita niya rin sa buong mundo? (Image courtesy of Instagram: @krisaquino)

NAKALOLOKA talaga itong si Kris Aquino kung kadaldalan at kataklesahan din lang pag-uusapan, wala na talagang tatalo sa kanya.

Ayan tuloy, kailangan pang mag-request ng kanyang Hollywood agent na magtrabaho na lang nang tahimik patungkol sa gagawing Hollywood movie.

Si Chris Lee ng East West Artists na naka-base sa Los Angeles, California ang direct Hollywood agent ni Kris, gaya nga ng pagbabalita niya sa mundo sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Aminado naman si Kris na isang napakalaking hamon para sa kanya ang magtikom ng kanyang bibig, pero sa hashtag nga niya sa kanyang IG post last April 18, “challengeaccepted”.

Sa nasabing post, may message si Kris patungkol sa pagpigil niya sa sarili na kumuda nang kumuda. Aniya, “WORK HARD IN SILENCE. LET YOUR SUCCESS BE THE NOISE.” Na nilagyan niya ng caption na “Obeying the request of@agentchrislee, believing in the wisdom of @nix722, and for the peaceful hearts of my sisters. #challengeaccepted.”

Marahil napagsabihan nga si Kris, dahil wala pa mang opisyal na pahayag ang Warner Bros. na producer ng movie adaptation ng best-selling novel ni Kevin Kwan na “Crazy Rich Asians”, marami nang naglabasang report na sa pelikulang ito nga makasasama ang TV host.

Proud and excited kasi, mismong si Kris din naman kasi ang nag-broadcast sa pamamagitan ng kanyang pagkahaba-habang kwento sa IG last April 16 bago siya lumipad patungong Los Angeles para makipagkita sa kanyang agent na si Chris Lee at pumirma ng kontrata.

For a year, i experienced rejections. A part of my spirit broke. There were 2 shows i lost because hiring an Aquino for TV was a political risk not worth taking… But something happened March 23, 2017- a Tony & Grammy award winning Broadway producer, Jhett Tolentino contacted me through Cong. Len Alonte and Manang Nene Chan. He was helping a Filipino-Chinese-American agent friend of his reach me to ask if I’d want to audition for a big Hollywood studio movie about to start filming. The pressure was I had to submit my reel in 72 hrs. I felt I had nothing to lose, so we went for it. 48 hrs after Jhett’s call, on March 25 we mounted an audition shoot in Manila Peninsula. Thank you ARMADA, Direk Ricky Villabona, Jules Dacanay, DOP Shayne Sarte & her team, Juan Sarte, Nante Alingasa, Kimi Yap, my finance guru Nicko Falcis, Alvin, and the entire Kris Online team, plus Atty Joji’s Quantum Post Production for the unwavering faith. We shot, they immediately edited & color graded, both my audition scenes & video BIO. Sunday we sent the high definition material. And we waited. And PRAYED. Tonight I fly to Los Angeles to meet Chris Lee, my agent to sign my contract. I passed 5 levels of intense scrutiny and was offered a role. It is surreal to be reading the script from a major Hollywood studio watermarked on every page with my name. I signed a non disclosure agreement so until they reveal my participation I can’t share any details about the movie & my role. But today Easter Sunday- I wanted you to know my story… I pray it gives you encouragement & hope. I am proof that in life doors will shut & there will be heartbreaking setbacks but FAITH in God’s plan will open new, unexpected doors. We just need to trust in His Love, Provision, Restoration & Perfect Timing. Grace is unmerited; it’s God’s Gift we humbly receive with a heart overflowing with Gratitude. To my siblings & sons- I share this blessing w/ you. THANK YOU for being my strength. ❤️

A post shared by ?? Kris Aquino (@krisaquino) on Apr 15, 2017 at 11:56pm PDT

Ang kabaliw pa sa post ni Kris sa itaas, sinabi niyang, “I signed a non disclosure agreement so until they reveal my participation I can’t share any details about the movie & my role.”

Siyempre pa, hinihinuha ni Kris na interesado ang kanyang followers at ang mundo sa kung anong Hollywood movie ang gagawin niya at kung ano ang magiging role niya.

At gaya nga ng inaasahan, kanya-kanyang kalkal ang mga entertainment writers para malaman ang “secret” ni Kris. Na ang clue pala, makikita rin sa isa pa niyang IG posting isang linggo na ang nakararaan.

May paduday pa nga si Tetay nang ipinost niya ang screenshot ng kanyang Twitter, kung saan sa caption, sinabi niyang, #Fangirl mode- sorry just had to post because I WAS SO THRILLED! 1 of my favorite authors@kevinkwanbooks is now following me. 

I-search mo nga lang sa Google kung sino si Kevin Kwan at lalabas ang sangkaterbang Hollywood news tungkol sa kanyang best-seller first novel na “Crazy Rich Asians” na ipo-produce ng Warner Bros. ang movie adaptation na all-Asian ang casts. Connect the dots na lang, ‘ika nga.

Ngayon ang pinag-uusapan, kung anong role ang gagampanan ni Kris sa nasabing pelikula, knowing na magagaling na Asian actors ang makasasama niya rito.

Sa mga character sa novel, isa lang ang nakikita naming role na para ngang tailor-made for Kris. Ito ang character ni Cassandra Shang, ang tsismosa at madaldal na second cousin ng bidang lalaki na si Nick. Tinagurian nga itong “Radio One Asia” dahil tipong alam niya ang lahat ng tungkol sa kahit na sino. Wala ngang maitatago sa kanya.

‘Di ba, very Kris Aquino?

Angel Locsin, si Neil Arce ang bagong idine-date?

 alt=

LAMAN ngayon ng mga tsikahan na ang businessman at film producer na si Neil Arce ang bagong idine-date umano ni Angel Locsin.

Neil Arce and Angel Locsin (courtesy of Instagram: therealangelocsin2016)

Noong March 16, 2017, kinumpirma ni Angel sa interbyu sa “TV Patrol” na “exclusively dating” sila ng hindi niya pinangalanang non-showbiz guy.

Sabi ng Kapamilya actress, “Lumalabas ako ngayon. Kaka-start din naman. Huwag na nating pangunahan. But happy heart naman.”

Nitong nakaraang Holy Week, may tsikang nakita umano sina Angel at Neil sa Hong Kong, kasama ang ilang mga kaibigan.

Sa mga panahong ding iyon, kumalat sa social media ang mga litrato nina Angel at Neil, kasama ang ilang mga kaibigan, na mga kuha umano sa Tung Chung station sa Hong Kong.

Tila tumutugma naman ang mga larawang ito sa mga naglalabasang tsika.

Fifteen weeks ago (or January this year), naka-post din sa Instagram account na therealangelocsin2016 ang isang group photo na kinabibilangan nina Angel at Neil. Ayon sa caption, kuha ang litrato sa hiking adventure ng grupo sa Mt. Maculot sa Batangas.

Neil Arce and Angel Locsin holding hands atop Mt. Maculot in Batangas.

Gayunman, sa isa pang kumalat na litrato sa social media na obviously galing din sa parehong hiking activity nina Angel at Neil sa Mt. Maculot, makikitang magka-holding hands ang dalawa.

Ibig bang sabihin nito, January pa lang, may namumuno nang “something” between Angel and Neil?

Matatandaang January this year din nang kumpirmahin ni Bela Padilla na hiwalay na sila ni Neil.

Mga alegasyon ni Kris Aquino, inalmahan ni Renan Morales

 alt=

ISA-ISANG sinagot at klinaro ni Renan Morales ang mga alegasyon ni Kris Aquino laban sa kanya at sa kanyang inang si Rhodora Morales.

Renan Morales & Kris Aquino

Sa pahayag ni Kris sa istoryang lumabas sa PEP.ph noong April 10, tahasang niyang itinanggi ang mga balitang lumabas sa mga tabloid na nag-uugnay sa kanila ng konsehal ng San Antonio, Nueva Ecija.

Sa video message na ipinost sa Facebook account na Bespren Foundation nitong April 17, nilinaw ni Renan ang mga tsismis sa kanila ni Kris.

Sabi niya, “Regarding sa comment ng isang diyaryo na nakalagay ro’n na sinabi ko raw na si Kris is in love with me, never ko pong sinabi ‘yun ever. At kahit po totoo man ito, hindi po kayang sabihin ng konsensiya ko ang mga ganitong bagay. It’s very inappropriate para magsabi ako ng mga ganitong bagay.”

Pagkukuwento ni Renan, “Noon pong nag-meet ang family namin and si Miss Kris, sobrang casual, very friendly. Ang ganda ng usapan namin.

“And, of course, nung nakuha na namin siya as an actress, nung nag-sign up siya with us, si Miss Kris naman, normal na pinapadalhan siya ng flowers, normal na pinapadalhan siya ng balloons ng lahat ng fans, ng lahat ng mga producer niya. Kapag nagkasakit si Miss Kris, maraming dumarating sa kanya.”

“So the moment po na nagkaroon kami ng business, nagkaroon kami ng agreement, so naging ano na po kami, nagkaroon kami ng harmony, may relationship na po na na-build, yung The Ultimate team and yung grupo ni Miss Kris. All-out support kami and open po sa public kasi ipinu-post naman ito ni Miss Kris,” pahayag pa ni Renan.

Sa nasabi pang interview ng PEP.ph kay Kris, nabanggit niya ang mga katagang “super-use-me-in-a-sentence”, na pakiramdam umano niya, masyado siyang nagamit ng mag-ina.

Hindi naman makapaniwala si Renan na masasabi nga ni Kris ang mga katagang iyon at pinilit pa niyang unawain ang TV host-actress kung bakit iyon nasabi.

Aniya, “Actually po, siyempre nagulat lang po kami na merong ganoong isyu na ‘super-use-me-in-a-sentence’. Hindi ko po… kasi po, hindi ko alam kung talagang siya ang nagsabi nito. Nagtataka po ako kung nasabi ito ni Miss Kris, kasi napakaganda po ng relationship ng mom ko and ni Kris.

“And talagang ang mommy ko, sobrang naniniwala siya about the show. And talagang ginawa niya, nagpursige, nagpagod po ang lahat ng team para mabuo itong ‘Trip NI Kris’ na show.

“Kaya po itong ‘use me’ na sinasabi ni Miss Kris… in general po ba ito na nagamit siya? Of course, siyempre nu’ng hinire namin siya professionally as an actress, okay, para i-feature ‘yung magagandang lugar sa Philippines. Number one nga po, ipinromote namin ‘yung Nueva Ecija, since kami nga po ay taga-Nueva Ecija.

“So, in behalf of the whole Nueva Ecija, gusto naming ipakita sa buong Pilipinas na ang Nueva Ecija, e, meron nang tourism. Meron po kaming masasarap na pagkain at meron pong magagandang tanawin, kung sinong pumunta sa aming bayan, at maraming-marami pa kami na gustong i-feature doon.

“So, kaya du’n sa nagamit po siya, I believe, siguro sinabi niya ‘yun because of the fact na may mga tsismis na lumabas na nali-link kaming dalawa. So, ‘yun po ‘yung sa tingin ko na sinasabi ni Miss Kris,” paliwanag pa ni Renan.

May alegasyon din ang TV host-actress na “super na-delay” ang payment sa kanya ng Ultimate Production ng mag-inang Morales na nag-produce ng kanyang TV special na “Trip Ni Kris” na ipinalabas sa GMA noong April 9.

Itinanggi naman ito Renan at ipinakita pa niya mula sa kanyang cellphone ang litrato ng umano’y mga resibo ng kanilang full payment kay Kris na may mga petsang February 27 at March 30 kapwa ngayong taon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Renan kaugnay ng mga isyu:

“Meant To Be” star Ivan Dorschner, hinangaan ng Uber driver sa pagiging marespeto

 alt=

BUMILIB ang isang Uber driver sa pagiging sobrang galang at marunong rumespeto na kanyang pasahero na hindi niya inakalang ang “Meant To Be” star palang si Ivan Dorschner.

Saludo ang Uber driver na si Arnold Medina sa pagiging marespeto ng “Meant To Be” star na si Ivan Dorschner.

Ayon sa driver ng nasabing transportation network company na si Arnold Medina, pagbukas pa lang ng pinto ng kanyang sasakyan, agad na siyang binati ng “good evening” ng isa sa mga bida ng teleserye sa GMA. Agad din umanong humingi ng paumanhin sa kanya si Ivan sa hindi niya pag-reply sa text ng driver dahil sa kawalan ng signal sa loob ng elevator.

Sabi driver sa kanyang post sa Facebook account ng Uber Pilipinas, “(P)agbukas pa lang ng pinto ng sskyan nag gudeve at nang sorry dahil nde daw sya makareply sa text wala daw signal sa elevator.”

Ini-offer din umano ni Ivan ang kanyang cellphone para siya na mismo ang mag-Waze para sa driver nang mawala ang Waze signal ng driver.

Anang driver na si Arnold, “(N)awala signal ko sa waze bigla inoffer celpone nya at sya mismo nagwaze para sakin.”

Hanga rin ang driver sa paghingi ng sorry ng Kapuso actor kapag may pagkakamali at sa madalas na pagsasabi ng “po” sa tuwing magsasalita.

“(P)agdating sa destination wrong pin pla nagsorry na namn.panay ang “po” tuwing nagsasalita.” Dagdag pang kuwento ng driver.

Nalaman lang umano ng driver na artista ang kanyang pasahero ng tanungin niya ito. “(T)inanong ko sya sir artista po ba kau? Sabi nya.opo sir sa gma aq may telesrye kme meant to u wid barbie forteza.”

Dahil sa nga sa ipinakitang kababaan ng loob at pagiging marespeto, saludo umano ang driver sa young actor.

Aniya, “(S)aludo aq sau sir ivan dorschner good luck and god bless you.”

#meant to be# napabilib aq sa rider na ito sobrang galang at marunong rumespeto sa driver nde ko akalain isa palang…

Posted by Arnold Medina on Tuesday, April 11, 2017

Mocha Uson, pam-boost daw ng morale at well-being ng mga Pinoy sa Middle East

 alt=

MAKATUTULONG daw si Mocha Uson sa pag-boost ng morale at well-being ng Filipino communities sa Middle East, ayon sa Malacañang.

Mocha Uson (courtesy of Facebook: Mocha Uson Blog)

President Rodrigo Duterte with Mocha Uson (courtesy of Facebook: Mocha Uson Blog)

Ito ang paliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella kung bakit kasama ang sexy star cum blogger at ngayo’y Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) board member sa delasyon ni Presidente Rodrigo Duterte sa pagbisita sa Middle East mula April 10 hanggang April 16.

Ayon kay Abella, maraming followers si Mocha na mga Pinoy na nagtatrabaho sa Middle East at para sa kapakanan umano ng mga Pinoy kaya kasama si Mocha sa delagasyon ng Pangulo.

Ani Abella, “The appointed official of The Movie and Television Review and Classification Board is part of the Philippine delegation. She has a large following among the overseas Filipino communities, especially in the Middle East, and it is in their interest that she has come to help boost morale and well-being.”

Ilang kritiko kasi ang nagtatanong sa kung ano ang papel ni Mocha sa entourage ng Pangulo.

Ang Amerika, nagpapadala sila ng mga entertainer sa mga kampo ng kanilang sundalong sumasabak sa giyera sa ibang bansa para i-boost ang morale at well-being nga mga ito. Para nga raw huwag panghinaan ng loob.

Ganu’n din marahil ang papel ni Mocha, ang magbigay ng “entertainment” sa Middle East. O, maliwanag na ba?

Kris Aquino, iba talaga ang trip; matapos sabihing sobra siyang nagamit sa TV special, sorry na raw

 alt=

IBA rin talaga ang trip ni Kris Aquino. Humihingi siya ngayon ng paumanhin matapos magbitaw ng mga salitang laban sa producer ng kanyang TV special.

Kris Aquino (courtesy of Instagram: krisaquino)

Bukod sa paghingi ni Kris ng apology kay Rhodora Morales, producer ng “Trip Ni Kris” na nagkaroon ng one-time airing sa GMA noong April 9, inanunsiyo rin ni Kris sa kanyang Instagram post noong Martes, April 11, na hindi na matutuloy ang pagpo-post ng nasabing TV special sa kanyang official Facebook account.

Sa posted image sa kanyang IG, nakasulat doon ang: “We regret to inform you that #TripNiKris won’t be airing on Facebook on Easter Sunday.”

Hindi na umano pumayag ang producer na ilabas pa ni Kris sa kanyang Facebook ang TV special.

“Unfortunately our producer revoked RealKrisAquino’s right to re-air the material,” paliwanag niya.

Sa caption ng kanyang post, ipinaliwanag pa niya ang dahilan ng hindi pagkatuloy ng pagpapalabas ng kanyang TV special sa kanyang Facebook.

Aniya, “I’m sorry- I had a too candid conversation with @yes_magazine‘s JoAnn Maglipon who is a friend of longstanding.

“We discussed many things and to be fair a lot stayed off the record… I regret having uttered things that offended Ms. Rhodora Morales & for that I humbly apologize ?…

“And to all of you who won’t get to see our re-airing, I’m sorry for the lost opportunity. I take full responsibility for my lack of prudence, and I’ve learned a valuable lesson in learning when to just keep quiet for the sake of harmony. ?

“On Mother’s Day, we will have several#KrisList webisodes ready- powered by Petron & San Miguel. I promise you that those are going to be fun, informative & very personal episodes.”

Matatandaang sa artikulong lumabas sa PEP.ph mula sa interview sa kanya ng editor-in-chief nito na si Jo-Ann Maglipon noong April 7, prinomote pa ni Kris ang nasabing TV special na ilalabas din umano niya sa kanyang Facebook sa Easter Sunday.

Pero bago iyon, sa nasabing artikulo, marami siyang nasabing hindi maganda patungkol sa producer at sa anak nitong si San Antonio, Nueva Ecija Councilor Renan Morales.

Una niyang itinangging may namumuong relasyon sa kanila ng councilor na isa ring car racing champion.

Tahasang sabi ni Kris, “Walang truth whatsoever.”

Dagdag pa ni Kris, “Okay, super nagamit ako because the son wants to be vice-governor of Nueva Ecija.”

“Super use-me-in-a-sentence talaga ang nangyari,” diretsong pahayag pa ni Kris kay Jo-Ann.

Maliban doon, isinawalat pa ni Kris ang sa palagay niya’y hindi magandang karanasan sa producer. Aniya, “I swear, super na-delay ang bayad, isa yun. Ang press release nila, big time na big time sila.”

Nandiri din umano siya nang maglabasan ang mga “press release” matapos magpa-presscon ang mag-ina noong March 16 sa Club Filipino, na ayon pa sa kanya, “Sarili nila prinomote nila, not me.”

Sa mga istoryang naglabasan matapos ang presscon, lumalabas na may relasyon sina Kris at si Renan. At ‘yun din umano ang dahilan kaya siya nagpalit ng phone number, sabi niya kay Jo-Ann.

“Yes, na-yuck talaga ako. Talagang, oh my god, first and last!” May pagkataklesang pahayag nga ni Kris.

James Reid, ‘di na nakapagtimpi; pinatulan na rin ang producer ng concert nila ni Nadine Lustre sa US

 alt=

HINDI na nga rin nakatiis si James Reid at pinatulan na ang alegasyon ng producer ng concert nila ni Nadine Lustre sa San Francisco, California, USA.

James Reid

Matatandaang inakusahan ni Elaine Crisostomo ng Entablado Productions USA LLC ng pagiging “rude” o kagaspangan ng pag-uugali sina James at Nadine at ang kanilang entourage nang hindi siputin ng love team ang meet-and-greet sa kanilang fans sa pamamagitan ng isang brunch na isinet ng producer bago magsimula ang kanilang concert. Nagbayad ng $250 ang bawat fan na bahagi ng nasabing brunch (breakfast-lunch).

Ayon pa kay Elaine, may kasunduan umano tungkol sa nasabing brunch ng fans with JaDine, pero aminado rin naman ang producer na verbal lang nasabing kasunduan.

Sa tweet ni James kaugnay ng issue, humingi siya ng paumanhin sa fans na naloko umano na magbayad ng $250 para isang brunch na hindi naman aprubado.

Aniya, “I’m sorry for the fans who were tricked into paying $250 for a brunch that was not approved. I didn’t even know about it until the day after.”

Inakusahan din niya si Elaine bilang sinungaling at hindi mapagkakatiwalaang producer.

“Elaine Crisostomo is not a credible promoter and a liar. She still owes our production head (not Nadine @mjfelipe) $27,000,” tweet ni James.

Ipinaliwanag pa ng young actor ang sitwasyon nila noong mga oras na iyon. Sabi niya, “We went straight to our hotel room because of our 3am flight. Ofcourse we’re tired. And Ellaine never spoke to me until after the concert.”

Sa huli, sinabi ni James na hindi na naman niya kailangan pang magpaliwanag dahil alam daw ng kanilang fans ang katotohanan. Nabubuwisit lang umano siya sa mga kumakalat na kasinungalingan.

“All the fans involved already know the truth. I hate to explain all this but I’m just annoyed that these lies are still being spread on TV,” ayon pa sa binata.