Ex ng sikat na aktres na matulis sa babaeng mapera, may bago na namang puntirya!

Sa isang malaking umpukan ay pinagpistahan ang pinakabagong kuwento tungkol sa dating karelasyon ng isang sikat na aktres. Kilalang-kilala rin ang lalaki, sa ibang larangan nga lang, pero may sariling balwarte rin siya ng mga tagahanga.